REPORT NG PROGRESO SA TAGLAGAS/TAGLAMIG
Kumusta, kapitbahay!
Kung nakatira ka sa distrito ng Sound Transit, gumagawa ka ng malaking investment sa kinabukasan. Tumutulong ang iyong dolyar-dolyar na buwis na itayo ang 252 milyang panrehiyong network na magkokonekta ng mga komunidad sa tatlong county—at gumagawa ito ng higit pang abot-kayang pabahay, kaya tiyak na magiging mas berde at mas patas ang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
Tingnan ang aming Report sa Taglagas/Taglamig sa ibaba para sa pinakabagong impormasyon sa pinakamalaking programa ng pagpapalawak ng transit sa bansa.
Mas marami pang serbisyo ng Link ang magbubukas sa Dis. 6!
Dahil sa tatlong bagong istasyon sa Kent Des Moines, Star Lake, at Federal Way Downtown, malapit nang pagdugtungin ng 1 Line ang mga komunidad mula Lynnwood hanggang Federal Way. Samahan kami sa araw ng pagbubukas; mayroong pagkain, musika, at regalo para ipagdiwang ang bagong koneksyon sa South King County.
Paano nila nagawa iyon?
Ang award-winning na disenyo ng Sound Transit para sa paglalagay ng riles sa nakalutang na tulay ay ang kauna-unahan sa mundo. Panoorin ang mga eksperto sa pagdidisenyo at konstruksyon para makita kung paano ito ginawa.
Susunod: Ang 2 Line service na tatawid sa Lake Washington
Tingnan ang pinakabagong edisyon ng “Update sa Crosslake,” ang bago naming serye ng blog, video, tour sa larawan, at iba pa, na lahat ay dinisenyo para i-update ka sa serbisyo ng tren sa pagitan ng Seattle at Eastside na magsisimula sa mga unang buwan ng 2026.
Bagong mga koleksyon sa ST Shop
Huwag palampasin ang mga damit na limited edition, accessory, at mga regalo para ipagdiwang ang ika-25 anibersaryo ng Sounder at ang pagbubukas ng aming pinakabagong karugtong ng Link, ang 1 Line papuntang Federal Way. Bukod diyan, may lalabas na holiday collection ng pagbubukas ng Sound Transit sa Nob. 10!
Mga koneksyon sa rehiyon at komunidad
Gamitin ang interactive na mapa ng system para sa kinabukasan sa ibaba para sa higit pang detalye tungkol sa mga proyekto ng Sound Transit sa buong rehiyon.
I-tap ang mga pulsing dot para sa higit pang impormasyon tungkol sa bawat proyekto, at sundan ang link para sa higit pang detalye sa pag-sign up para sa mga update sa proyekto at magawang makibahagi.
Open Modal
Karugtong ng Everett Link
Pagpapahaba ng serbisyo ng Snohomish County light rail mula Lynnwood hanggang Everett.
Pagsasa-ayos ng Paradahan at Lagusan sa mga Istasyon ng Edmonds at Mukilteo
Pinadadali ang pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Pagsasa-ayos ng Paradahan at Lagusan sa mga Istasyon ng Edmonds at Mukilteo
Pinadadali ang pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Lynnwood Link Extension, magbubukas sa Ago. 30!
Maghanda para sa pagpapalawak sa serbisyo ng 1 Line mula sa Northgate hanggang sa Snohomish County.
Linya ng Stride BRT S2
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 sa pagitan ng Lynnwood at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Bus Base North
Adding a facility to store and service our new Stride bus rapid transit fleet.
Ballard Link Extension
Pagpapalawak sa light rail mula sa downtown Seattle hanggang sa South Lake Union at Ballard.
Magbubukas sa 2026: Istasyon ng Pinehurst
Pagdaragdag ng istasyon ng light rail sa Lynnwood Link Extension, pagitan ng Northgate at Shoreline.
Linya ng Stride BRT S3
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng SR-522 at Northeast 145th Street sa pagitan ng Shoreline at Bothell, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Linya ng Stride BRT S3
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng SR-522 at Northeast 145th Street sa pagitan ng Shoreline at Bothell, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
South Kirkland-Issaquah Link
Pagdaragdag ng bagong linya ng light rail sa Eastside, na may madaling koneksyon sa mga patutunguhan sa rehiyon.
Magbubukas ang 2 Line sa Abril 27!
Magkakaroon ng bagong serbisyo sa apgitan ng walong istasyon sa Bellevue at Redmond ngayong tagsibol.
Karugtong ng Downtown Redmond Link
Ang 2 Line ay aabot sa Downtown Redmond sa tagsibol ng 2025!
North Sammamish Park-and-Ride
Pagdaragdag ng bagong pasilidad na paradahan na may mga panrehiyong koneksyon sa pagbiyahe.
Linya ng Stride BRT S2
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 sa pagitan ng Lynnwood at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Linya ng Stride BRT S1
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 and SR 518 sa pagitan ng Burien at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Magbubukas ang 2 Line sa Abril 27!
Magkakaroon ng bagong serbisyo sa apgitan ng walong istasyon sa Bellevue at Redmond ngayong tagsibol.
South Kirkland-Issaquah Link
Pagdaragdag ng bagong linya ng light rail sa Eastside, may madaling koneksyon sa mga patutunguhan sa rehiyon.
Magbubukas ang Koneksyon ng Crosslake sa mga unang buwan ng 2026
Paggawa ng koneksyon sa light rail sa buong Lake Washington para maikonekta ang downtown Seattle, Mercer Island, at ang Eastside.
West Seattle Link Extension
Pagpapalawak sa light rail mula sa downtown Seattle hanggang sa Alaska Junction sa West Seattle.
South Graham Street Infill Station
Pagdaragdag ng isang istasyon ng light rail sa umiiral na 1 Line, pagitan ng Columbia City at Othello.
South Boeing Access Road Infill Station
Pagdaragdag ng isang istasyon ng light rail sa umiiral na 1 Line, pagitan ng Rainier Beach at Tukwila International Boulevard.
Linya ng Stride BRT S1
Pagdaragdag ng bagong serbisyo ng bus rapid transit sa kahabaan ng I-405 and SR 518 sa pagitan ng Burien at Bellevue, na may madaling koneksyon sa marami pang pagbibiyahe.
Pasilidad ng Operasyon at Pangangalaga sa Timog
Pagdaragdag ng bagong pasilidad upang paglagyan at serbisyuhan ang ating dumadaming mga tren ng Link light rail.
Magbubukas ang karugtong ng 1 Line papuntang Federal Way sa Dis. 6!
Pagpapahaba ng light rail mula Angle Lake hanggang bayan ng Federal Way.
Karugtong ng Tacoma Dome Link
Pagpapahaba ng light rail mula Federal Way hanggang Pierce County.
Pagpapalawak ng Kapasidad ng Sounder South
Pagtaas ng kapasidad upang makapaglingkod sa mas maraming tagasakay ng South Sound at pagbutihin ang karanasan ng pasahero.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Kent
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Auburn
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Magbubukas sa 2026: Paradahan sa Istasyon ng Sumner at Pagpapaganda ng Access
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Pagpapalawak ng Kapasidad ng Sounder South
Pagtaas ng kapasidad upang makapaglingkod sa mas maraming tagasakay ng South Sound at pagbutihin ang karanasan ng pasahero.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng South Tacoma
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Base ng Pangangalaga ng Sounder
Magtayo ng bagong pasilidad upang paglagyan at serbisyuhan ang ating dumadaming tren ng Sounder.
Mga pagpapabuti ng Paradahan at Daanan ng Istasyon ng Lakewood
Magdagdag ng paradahan at pagpapadali ng pagpunta sa mga istasyon ng Sounder, maglakad ka man, gumulong, magbisikleta, magmaneho o sumakay ng bus.
Ekstensyon ng DuPont Sounder
Pagdagdag ng dalawang bagong istasyon ng S Line sa Tillicum at Dupont.
Ekstensyon ng TCC Tacoma Link
Pagpapalawig ng T Line mula St. Joseph hanggang Tacoma Community College.
Walang stress na biyahe sa I-405
Alamin ang pinakabagong ginagawa para makabuo ng 47 milya ng bagong Stride bus na mabilisang transit sa kahabaan ng pinakatrapik na kalsada sa rehiyon natin. Dahil sa tatlong bagong linya, madali na ang biyahe sa Eastside mula Lynnwood at Shoreline hanggang Bellevue, Renton, at Burien, magsisimula sa 2028 at 2029.
Mas madaling sumakay sa Sounder
Tingnan kung ano na ang progreso ng trabaho sa tatlong bagong paradahan at iba pang ginagawa para mapadali ang access sa istasyon ng tren ng Sounder sa Sumner, Kent, at Auburn, magbubukas sa 2026 at 2027.
Paano magplano, magbayad, at sumakay sa amin
Pinadali namin ang paghahanap sa lahat ng kailangan mo para magamit ang Link light rail, mga tren ng Sounder, at ST Express bus ng Sound Transit. Planuhin ang biyahe mo, alamin kung paano magbayad ng pamasahe, at sumakay ngayong araw!
Dati at ngayon: Tingnan ang mga upgrade sa ilaw ng istasyon namin
Tingnan ang pinakabagong upgrade namin sa tatlo sa pinakaabalang istasyon namin ng tren at alamin ang higit pang impormasyon tungkol sa mga gagawin pa sa panahon na pinakamaraming bibiyahe sa tag-araw at sa 2026 FIFA World Cup.
Magsisimula ang survey namin sa Nob. 6
Dati ka na bang sumasakay sa Sound Transit? Gusto naming marinig ang opinyon mo sa aming taunang Survey sa Karanasan ng Pasahero! Makakatulong ang feedback mo para malaman namin kung paano pa namin mapapaganda ang serbisyo namin. Bilang pasasalamat, lahat ng kalahok sa survey ay isasali sa palabunutan, at puwedeng manalo ng isa sa mga gift card na halagang $100-$250.
Libreng sakay sa kabataan
Ang paggamit ng transit sa kabuuan ng atin rehisyo ay walang gastos para sa mga tao at salamat sa Move Ahead Washington, isang package na pondo sa transportasyon sa buong estado. Kapag nakakuha ka at ginamit ang libreng Youth ORCA card sa bawat sakay, nakatutulong ito sa mga ahensiya na mas maunawaan paano ginagamit ng mga kabataan ang kasalukuyang serbisyo at lumikha ng mga pagpapabuti nang iniisip ang mga pasahero.
Mga pangyayari sa SOC
Alam mo ba na puwedeng mong i-text ang Seguridad ng Sound Transit para isumbong ang anumang hindi tama sa biyahe mo o sa istasyon mo? Silipin ang nangyayari sa loob ng Sentro ng Operasyon ng Seguridad para makita kung paano rumiresponde agad ang mga tauhan kapag tumawag o nag-text ka, at i-save ang numero sa phone mo para sa susunod mong biyahe: 206-398-5268.
Kung paano namin isinasagawa ang negosyo: Naghahatid ng plano na aprobado ng mga botante
Alamin ang tungkol sa pamamahala ng Sound Transit, pinagkukunan ng pondo, at kung paano ka sasali sa amin para pagandahin ang rehiyon ng Central Puget Sound at maghatid ng oportunidad sa mas maraming tao.
Pamumuhunan para sa mga manggagawa sa hinaharap
Noong huling linggo ng Oktubre, Nag-host ng kummperensya ang Sound Transit Para sa halos 100 lider ng kabataan at kabataang adulto sa iba’t ibang lugar sa Pacific Northwest at sa labas nito para bumuo ng koneksyon at oportunidad sa trabaho para sa pagpaplano sa transit, kasanayan sa konstruksyon, at iba pang kritikal na trabaho na tutulong para umunlad ang rehiyon natin sa mga susunod na henerasyon.
Pamunuan
Ang pansamantalang CEO na si Goran Sparrman ang nangunguna sa staff ng Sound Transit, at may Lupon ng Mga Direktor na nangangasiwa sa ahensya. Binubuo ito ng mga lokal na inihalal na opisyal mula sa aming distrito ng transportasyon, na hinati ayon sa populasyon, at ng Kalihim ng Transportasyon ng estado.
Impormasyon sa pananalapi
Nagmumula ang pondo sa konstruksyon at mga operasyon ng Sound Transit sa kumbinasyon ng mga lokal na buwis, grant at loan mula sa pederal, pangungutang sa pamamagitan ng pagbibigay ng bono, kita sa interes, kita sa pamasahe, at iba pang kita.
Makipagtulungan sa amin
Hindi lang tungkol sa mga riles at kalsada ang mga trabaho sa Sound Transit – kailangan namin ang iyong tulong para maprotektahan at ma-sustain ang ating kapaligiran, makagawa ng mas abot-kayang pabahay sa buong rehiyon, maisulong ang aming mga pangako sa pagkakapantay-pantay at paglaban sa racism, at marami pang iba.